Biyernes, Oktubre 14, 2016
PROBLEMA NG MGA ESTUDYANTE ni ; irish cariazo
EDUKASYON ANG NATATANGING
KAYAMANAN NA HINDI MANANAKAW NINUMAN.
Ang pagiging estudyante ay isa sa pinakamahaba at pinakamahirap na yugto ng ating buhay.Paaralan ang ating naging ikalawang tahanan kung saan unti unting nahubog ang ating kaalaman at pagkatao.
Simula sa unang beses na pagtapak natin sa paaralan ,anim na taong pagaaral ng elementari at apat na taong pagsusunog ng kilay sa hayskul na ngayon ay nadagdagan pa ng dalawang taon ay nakasanayan na natin ang iba't ibang mga suliraning karaniwan na saatin bilang mga estudyante.Kabilang na rito ang mga sumusunod;
1.Pagpasok ng huli sa klase
2.Maling pagbubuget ng oras
3.Sobrang daming paper works
4.Allowance at mga babayarin sa school
5.Walang papel
6.Peer pressure
Higit sa lahat,ang pinakamahirap na suliranin ng mga estudyante ay wala sa loob ng paaralan.Ito ay matatagpuan sa buhay na mayroon sila sa labas at sa kanilang tahanan.Ang mga suliraning ito ang karaniwang dahilan kung bakit maraming mga estudyante ang nagiging bulakbol at pinipiling huminto na lamang sa pag-aaral.
Upang maiwasan ang mga suliraning nabangit sa loob at labas ng paaralan ,narito ang ilang tips;
1.Matulog at gumising ng maaga
2.Bilisan ang kilos upang hindi mahuli sa klase
3.Hatiin ang oras ng tama
4.Gawin ng maaga ang mga proyekto upang hindi natatambakan
5.Maglaan ng pera para sa mga kailangan sa paaralan
6.Mag-ipon mula sa iyong allowance
7.Huwag magpapadala sa sinasabi ng iba;magkaroon ng tiwala
sa iyong sarili
8. Magkaroon ng paninindigan sa iyong mga pangarap sa kabila
ng mga problemang kinakaharap.
Totoong mahirap ang pagiging isang estudyante subalit mas mahirap ang walang pinag- aralan.Sa huli,anuman ang suliranin na ating kinakaharap mahalaga parin na magkaroon tayo ng matibay na paninindigan sa ating mga pangarap sapagkat lahat ng bagay na pinaghihirapan ay may katumbas na tagumpay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pc poker tournament - Mapyro
TumugonBurahinThe winner of the tournament will usually choose between the banker and the player. 안양 출장샵 The odds of 통영 출장안마 winning on the 과천 출장안마 first draw are Mar 세종특별자치 출장마사지 2, 2021 · Uploaded by PlayPoker 부천 출장안마